Sunday, February 1, 2009

Want went it too 9 teen a tea tree

Isang simulang nagbabanta ng kasiyahan
isang pagtatapos para sa kalungkutan
itinutuwid lahat ng kamalian
at ibabaluktot ang lahat ng kabuktutan

Isang babaeng may aking kagandahan
at isang lalaking di kagwapuhan
bumuo ng malayang pagkakaibigan
at iginuho ang lahat ng nakaraan

Kahit nagkakalapit mga nararamdaman
ay tila magkalayo ang bawat isipan
hudyat ba ito ng pagtigil sa laban
o nagsasabi na ituloy ang pagmamahalan

Kung mayroon mang espesyal na pagtitinginan
dalangin ko'y walang sinumang humadlang
nawa'y magtuloy ang magandang samahan
at mahinto ang lahat ng naging tampuhan

No comments: