Monday, December 8, 2008

Eroplanong Malaki


lABINDALAWANG ARAW NA LANG YEY! UUWI NA SI AKO KASU NAKAKAPAGTAKA, WALA PA DIN AKONG TICKET!!! TEKA TEKA ANU NA BA ANG NANGYARI SA TICKET KO?

HRD: Ipagpaumanhin mo gwapong engineer hindi ka makakauwi.
RANSOM: Ano?! hindi yan maaari. May naghihintay sa aking mga nagmamahal.
HRD: Eh sa hindi pwede anu magagawa mo?
RANSOM: Bakit sinu bang kamote ang nagsabi nyan?
HRD: Si Boss! Dyan ka na daw magpasko! Bwahahahaa!
RANSOM: Hindeeeeeeeeeeeeeeeee!
Toink! (Nag alarm ang cellphone)

RANSOM: Whew! isang masamang panaginip! Mabuti na lang...

LAGUNA AT MAYNILA PADATING NA AKO........WALANG PASALUBONG HA!

Sunday, December 7, 2008

Nakikipagkilala

tama ka ako ay isa sa bagong likha ng lipunang bloggers! hindi para sa iisa, hindi para sa iilan ngunit para sa lahat ng nais na makipagkaibigan. Walang plano, walang paghahanda, ito ay dahil lamang sa impluwensya ng isang mabait, masayahin at matamis na kaibigan na lilipat sa malapit sa aking lugar na sinilangan. magkikita din tayu mahal kong kaibigan.... bow