Ipinakikilala ang ROBINSON'S DUMAGUETE PROJECT:
Bilang isang inhinyero, nasubaybayan ko ang mga pag gawa ng plano para sa iba't ibang proyekto ng aming kumpanya. Maraming proyekto na rin ang nagdaan na ipinagkatiwala ang pamamalakad sa inyong lingkod... subalit ng mapadpad dito sa Cebu upang tumulong sa pamamalakad ng nasabing proyekto sa itaas na bahagi ng aking salaysay ay nagkaron ng malaking pag-aaral sa kadahilanang nagumpisa ang trabaho ng hindi pa lubos na natatapos ang mga plano.
Ang mga pagbabago sa disenyo at plano sa struktura at arkitektura ay lubang nagpabagal sa pag usad ng nasabing trabaho. Bunga nito, nasira ang ilan sa aking mga inihandang pagtapos sa nararapat na panahon. humaba ng humaba ang Iskedyul at napagalaman na hindi na makakaya pang matapos ang gawain nung Disyembre ng nagdaang taon.
Hindi ako nawalan ng pag-asa bagkus ay lumikha muli ng isang makatotohanang iskedyul na nagtatakda na matapos ang proyekto sa darating na Pebrero ngayong taon.. Haaay! kaya nga lang ang ALFRESCO AREA ay nawawala pa rin magpasa hanggang ngayon. Paghihintay na umabot na sa 1 buwan at maaaring maging sanhi muli ng pagbabago sa itinakdang panahon ng pagtatapos. Naku naman... parang nais ipabatid sa akin na mukhang aabutin pa ako ng Marso. whaaaaa! Kaya para sa mga naghihintay ng aking pagbabalik, nawa'y hindi mawalan ng pag-asa na makasama akong muli dyan sa Manila at Laguna. Magkikita pa rin tayung muli.
P.S.
Mga taong naghihintay ng pagbubukas ng Robinson's Dumaguete, huwag kayu mag-alala magkakaron din kayu ng Mall sa lugar ninyo... Year 2010 bwhahahahhahahahahaha.
1 comment:
Hey, just dropping by.. wonderful blog. got intrested in Robs Dgte. How is it now? Nice. How is the Al Fresco area doing?...Cheers to ur project!
Post a Comment